Kat Growlers Online
web page counters
Oh, Hi!

15 years living ~ HS SENIOR
I accept the fact that I'm really crazy&weird sometimes. I just want to have fun & I never want shed a tear in my eyes. Please also accept that I am LOUD. I'm not a happy-go-lucky person. Eventhough I laugh often, I do have problems too.
I'm Just Living My Life to the Fullest

Fly with Me.

1 2 3 4 5 6 7 8 Follow my blog
View my complete profile

Layout by Caye with colors from Colourlovers and the banners from TheFadingNight.
wild days
2nd day.//
Tuesday, May 25, 2010 @ 6:47 PM

Bakit ganito ang mundo? Sakin na ata binigay lahat ng pangit. Ako na nga tong pangit ako pa to'ng nahihirapan. Wala akong makausap. Walang nakikinig sakin. Buti pa pag may pasok e, may mga nakakausap akong mga tao. Nakakalimutan ko ung mga problema ko. Pero eto ako ngayon, summer break sucks all the time. Ewan ko ba kung bakit hindi ko nalang tanggapin to? Palagi nalang akong naiiyak bigla. Ewan ko ba? May saltik na ko e. Alam ko nga ang character ko masaya e. Makulit, happy-go-lucky, charming, always smiling. Pero bakit ganon? Parang hindi ako un. ~ Nakita akong umiiyak ng kuya ko at lalo kong napaiyak. Knowing na sa sarili ko lang naman masasabi lahat ng nararamdaman ko. Noon, si tita, pwede ko pang makausap kahit papano, pero wala, nagbago na sya, hindi na sya katulad ng dati. Bakit nga ba ako umiyak? San nag simula ung mga luhang yun? Napikon ako. Napikon sa mama ko. Tinawag nya ko, at akala ko naman maganda ang sasabihin nya kaya umasa ko, pero ano ba ung narinig ko? 

Ma: Ikaw ba nagpupuyat nanaman?
Me: Oo na alam ko na.
Ma: Hindi naman un e. Ung itsura mo.
Me: Oo nga! Tanggap ko na! Ikaw na nagsbi na wala akong magagawa kase asa stage ako ng ganito!
Ma: Kaya nga! Tapos puyat ka pa ng puyat!
Me: Hindi nga ko nagpupuyat!
Ma: Sumama ka bukas sa Antipolo. Pupunta tayo sa cliente.
Me: HHM.
Ma: Matagal kitang hindi inano. Mamaya may gagawin tayo.
Me: HMM!
Ma: Dala ko ung *clients name*.
Me: HMMM!
Ma: Ha?
Me: MM-MM NA NGA!
(She tried to pull a joke pero walang nangyari.)
Umalis ako sa kwarto nya at umakyat sa kwarto ko. Naiyak ako ng hindi ko alam ang dahilan. Siguro, tinatamad lang ako magtrabaho at nasa isip ko nanaman na wala akong freedom. Parang lahat kelangan kong bayaran. Hindi na sya katulad ng dati na gagawin ang lahat para sumaya kami. Ngayon, isa na syang machine na inuutusan kahit mga anak nya magtrabaho sakanya. Asa working age na ba ko?? Minor kce ako e. Inis na inis ako ng sobra. Tapos wala pa c .... Wala akong makausap tungkol sa ganitong bagay. Siya nalang pinag bubuhusan ko ng sama ng loob pero wala siya. Hirap na hirap ako. Ang sakit sakit na kce e. Hindi ko lang matanggap na. Bakit ganon? Bakit ung mga kaklase ko? Bakit sila, hindi nila pinagtatrabuhan ung kinakain nila? Pantay lang naman kmi ah.. May kaya.. Alam ko na pag dating ng pasukan, magmumukha akong nanay. Nanggaling sa stress, pagod, sama ng loob buong break. Papangit nanaman ako. Pimples nanaman ang aabutin ko. Buti pa nga ung kaibigan ko, kung saan-saan siya nakakapunta ng walang kapalit. Ako, asa bahay lang, walang kausap kundi ang computer, pagod kakatype, tapos bubulabugin ng nanay para magtrabaho. Hayyyy.