Belated Happy Birthday Jesus.
And I just posted this when another event is going to happen. Ugh. Rough Day..
Okay. Nagcelebrate ako ng pasko ng normal. Kahit medyo malungkot kasi kulang kami, its still the same. Walang bago, puro luma. Ay! Meron palang bago, bagong damit, bagong sapatos, etc. Kwentuhan tau ulit?
Ayan. Picture namin yan sa Sala. With my cousins,
(from left to right)
Tita Mina, Camille, Achie Chinny, Me, Achie Rachel, & My sister Gi.
oh eto na start ng story..
Merry Christmas! <3
Diba, ang christmas time sya ng pagsasama-sama ng family? dapat buo. dapat walang naiiwan.
sabi nga sa palabas na Lilo & Stitch,
"Ohana means Family.. Family means NO ONE GETS LEFT BEHIND."
Maraming nagbago sa pasko ko ngaung taong 2009. Marami akong nalaman. Maraming dumagdag maraming bumawas. Marami akong nalaman na katotoohanan. Maraming umalis. Maraming dumating. Maraming hindi inaasahang surpresa at hindi inaasahang pakiramdam. Ano kaya ang ibig sabihin nitong lahat? Baliw na ba ko? Bat ang random ng feelings ko? eh pasko lang naman?? Sbi nga nila.. Ang pasko ang birthday ni Baby Jesus, parang nagsimula lang ang lahat ulit. Pero hindi katulad dati na napaka saya ng pasko. Ngayon.. Parang balewala nalang..
ANG PASKO KO DATI..(EVE)
Dati.. Maraming handa. Buo ang pamilya. Wala na kong iniintindi kundi kamikami lang.
wala na kong ginagawa kundi kumain lang ng kumain. Hindi pa uso unlimited kaya wala
pa kong masyadong tinetext. Di pa uso ang facebook kaya wala pa kong hilig sa internet.
Hinihintay ko lang mag 12 tapos kain na ko ng kain. Magpapatugtog ng malakas na sounds
at pagkatapos magpipicturan para i-post ng ate ko lahat ng pics sa friendster. Maraming
halakhak. Maraming nakangiti. Walang pikon. Walang malungkot. LAHAT MASAYA.
ANG PASKO KO NGAYON..(EVE)
Ngayon.. Marami paren namang handa. Kaya lang kulang kulang na kami sa pamilya. Dumagdag
nga lang at yun ay si Baby Mika na anak ng aking panganay na kapatid at ang aking pinsan
na si Kuya Ij na napapadalas na ang pasko dito. Pero may nawala. Marming ilaw. Maraming
dekorasyon kesa dati. Pabonggahan nga ng bahay eh. Uso na sobra ang unlimited text kaya
puro GM ng pagbati ang inaatupag ko. Desperado na nga ko magunlimited kce warak ung network ko. Walang sounds ngayon. Medyo tahimik. Puro halakhak lang ng mga tao sa labas, ung mga nagiinuman. Ako lang nagpipicture, napaka vain ko nga nun, desperado para ipost sa Multi, BS, FB, FS, etc. Pagkatapos kumain kahit wala pang 12 umakyat na ko sa kwarto ko, tumawag na kce ung kaibigan ko. unang taong ginreet ko bago pamilya ko. tapos, 3am na ko
natulog kce naginternet pa ko. Oh dba? ang sya.
PAGKAKAIBA?
- text addiction
- internet addiction
- family incomplete
- friends before family rule
Masama ba kong anak? Masama ba ko? Hmp. Hindi ko nga malaman kung ano na nangyayari skin. Nagmature na nga siguro ako. Kahit pala masiyahin ang labas ko, may oras din palang nag seseryoso ko ng ganito. Ewan ko ba? Para na kong sumusulat ng libro. Librong wala namang taong magbabasa, kce walang pakielamanan ang mundo. Kanya kanyang trip nga to. Hay. Natuto nako. Natuto nako maging masamang myembro ng pamilya. Sana maiwasan ko to :(
HMP. Medyo malungkot ung storya. Pero okay lang.
Kahit unti lang ung gifts, OKAY lang.
Kahit hindi ko sya nakausap gaano, OKAY lang.
Kahit badtrip ang pasko ko, OKAY paren.
Para sau to bro!